Mga Badjao sa Batangas City

Mga Badjao sa Batangas City

Isa na namang bagong karanasan ang ipinaranas sa akin ng Pandayan Bookshop. Dahil nalalapit na ang pasukan ay nagsimula na muli ang Brigada Eskwela. Apat na paaralan dito sa Batangas City ang aming pinuntahan at sobra akong humanga sa isa sa mga school na aking napuntahan, ang Malitam Elementary School. Nakita ko doon ang napakadaming Badjao. Hindi mo makikita sa lugar na iyon ang discrimination. Doon ko nakita na talagang desidido ang mga Badjao na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi lamang natatapos ang kanilang buhay sa panlilimos sa kalsada, nangangarap din sila na magkaroon ng magandang kinabukasan. Akin ding nabalitaan na ang mga Badjao dito sa Batangas ay binigyan ng libreng pabahay ng mayor. Ipinakikita dito ang pagbibigay ng halaga sa bawat taong nakatira sa komunidad. Sana ay ganito rin ang turing ng ibang lugar sa mga Badjao.